Mga nakapasa sa bar exam binati ng OSG; hinimok na maging public servant

Binati ng Office of the Solicitor General (OSG) ang mga nakapasa sa 2018 Bar exam.

Sa statement na inilabas ng OSG, hinimok din nito ang mga magiging bagong abogado na tumugon sa panawagan na sila ay pumasok sa public service.

Ayon sa OSG, sa kanilang tanggapan ay iniimbitahan nila ang mga “brightest lawyers” upang makatrabaho at ang OSG ay maitituring na pinakamainam na training ground para sa mga bagong abogado.

“We encourage bar passers to heed the call of public service and join the OSG in its pursuit of social justice as the Defender of the Republic and Tribune of the People,” ayon sa pahayag.

Pinayuhan naman ng OSG ang mga hindi pinalad na makapasa na huwag malungkot at huwag mawalan ng pag-asa.

Sa halip ay dapat umanong bumangon at muling lumaban.

Read more...