Granada natagpuan sa loob ng isang hotel sa QC noong Labor Day

By Dona Dominguez-Cargullo May 03, 2019 - 11:41 AM

May natagpuang granada sa loob ng isang hotel sa Quezon City.

Noong Miyerkules (May 1) pa nakita ang granada sa loob ng hotel pero ngayong araw lamang inilabas ng Quezon City Police District (QCPD) ang report tungkol dito.

Ayon sa QCPD, isang Peter Thairo Trilam, 24 anyos ang nag-check in sa hotel kasama ang kaibigan sa Barangay Loyola Heights, alas 6:00 ng gabi noong May 1.

At sa kitchen ng kanilang kwarto ay may nakita siyang kulay itim na pouch.

Nang buksan nila ito ay nagulat silang may laman itong granada.

Agad silang tumawag ng security personnel ng hotel at nakipag-ugnayan sa Anonas police station.

Nai-turnover na sa QCPD bomb aquad ang granada habang patuloy ang imbestigasyon para malaman kung sino ang nag-iwan nito sa hotel.

TAGS: grenade, hotel, Labor Day, quezon city, grenade, hotel, Labor Day, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.