Resulta ng imbestigasyon ng NBI sa ‘laglag-bala’sa NAIA naisumite na sa DOJ

By Dona Dominguez-Cargullo December 09, 2015 - 01:01 PM

 

LaglagBala nov 4 ruelIsinumite na ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) ang reuslta ng isinagawangimbestigasyon sa “tanim/laglag bala” (TaLaBa) scheme sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Department of Justice spokesman at Undersecretary Emmanuel Caparas babasahin pa at pag-aaralan ni Justice Secretary Alfredo Benjamin Caguioa ang report ng NBI bago ito isapubliko.

Ngayong araw ang deadline para sa pagsumite ng NBI sa nasabing report matapos itong humirit ng 15-working day extension sa DOJ.

Ang Task Force Talaba ay binuo ni Secretary Caguioa dahil sa dumaraming reklamo sa kaso ng laglag o tanim bala sa paliparan.

Karamihan sa mga nahuhulihan ng bala ay itinatangging sa kanila ang bala at kusa nila itong dinala.

Isa sa mga sinasabing biktima ay ang American tourist na si Lane Michael White na nagsabing tinangka pa siyang kikilan ng P30,000 ng isang airport personnel para hindi na siya sampahan ng kaso matapos mahulihan umano ng bala sa bagahe.

Sa ginawang imbestigasyon ng NBI, kabilang sa mga tinukoy ang posibleng kasong kriminal at administratibo na kakaharapin ng mga sangkot sa laglag/tanim bala scheme.

TAGS: laglag bala, tanim bala, laglag bala, tanim bala

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.