Miss Universe Catriona Gray na-interview ni Tyra Banks

By Dona Dominguez-Cargullo May 03, 2019 - 10:43 AM

IG PHOTO
Excited na ibinahagi ni Catriona Gray ang panayam sa kaniya ni Tyra Banks para sa V Magazine.

Ayon kay Cat hindi niya na mapigil ang sarili na ihayag ang panayam dahil fan na fan sya ni Tyra Banks.

Inilarawan ni Catriona bilang “humble” at “empowering woman” si Tyra.

Lalabas sa V Magazine ang nilalaman ng interview.

Ibinahagi din ni Catriona ang ilang larawan para sa nasabing magazine.

Noong Miss Universe competition ay inihayag ni Tyra ang kaniyang paghanga kay Catriona lalo na sa kaniyang slow-motion twirl.

Binanggit ni Tyra na hindi niya pa rin nalilimutan ang ‘Lava Walk’ ni Cat sa Miss Universe pageant. (END.DD)

TAGS: Catriona Gray, miss universe, Radyo Inquirer, Tyra Banks, Catriona Gray, miss universe, Radyo Inquirer, Tyra Banks

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.