2 patay sa operasyon kontra ilegal na droga sa Batangas

By Dona Dominguez-Cargullo May 03, 2019 - 09:39 AM

Patay ang dalawang miyembro ng isang drug syndicate habang nakatakas ang isa nilang kasamahan sa operasyon ng pulisya sa Balayan, Batangas.

Ayon kay Balayan, Batangas police chief, Marlon Cabataña, ang mga suspek ay nanlaban sa mga pulis na magsisilbi sana ng search warrant sa kanilang hideout, Biyernes (May 3) ng umaga.

Pawang miyembro ng Mamayog Drug Syndicate ang tatlo na nag-ooperate sa unang distrito ng Batangas.

May mga nakuhang ilegal na droga at drug paraphernalia sa hideout ng tatlo.

Patuloy na tinutugis ang isang nakatakas na suspek.

TAGS: anti-illegal drugs, Balayan, Batangas, Radyo Inquirer, War on drugs, anti-illegal drugs, Balayan, Batangas, Radyo Inquirer, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.