Dalawang hinihinalang pusher patay sa operasyon sa Laguna

By Dona Dominguez-Cargullo May 03, 2019 - 09:29 AM

Patay ang dalawang suspek sa kalakaran ng ilegal na droga matapos na mauwi sa engkwentro ang buy-bust operation na ikinasa ng mga otoridad.

Ayon kay Police Col. Eleazar Matta, Laguna police director nasawi si Rolando Castillo, hinihinalang drug pusher nang maka-engwentro ang mga pulis sa San Pablo City.

Sinabi ni Matta na si Castillo ay nasa police watchlist dahil sa pagtutulak nito ng shabu.

Pinaputukan umani ni Castillo ang mga pulis na nagsagawa ng buy-bist dahilan para gumanti ng putok ang mga otoridad.

Nakuha sa suspek ang isang 9 mm na baril at hindi pa tukoy na halaga ng hinihinalang shabu.

Samantala, sa bayan naman ng Sta. Cruz patay din ang drug susoect na si Von Ryan Castillo.

Isisilbi kay Von Ryan ang search warrant nang bigla niyang paputukan ang mga otoridad.

Bagaman magka-apilyido ang dalawang nasawimg suspek, sinabi ni Matta na hindi sila magkamag-anak.

TAGS: Illegal Drugs, laguna, Radyo Inquirer, shootout, suspek, Illegal Drugs, laguna, Radyo Inquirer, shootout, suspek

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.