3.5 million na mga bata nabakunahan na – DOH

By Dona Dominguez-Cargullo May 03, 2019 - 08:47 AM SHARE(S):
INQUIRER FILE PHOTO / MARIANNE BERMUDEZ

Umabot na sa 3.5 million na mga bata ang nabakunahan ng Department of Health (DOH).

Inilahad ito ng DOH kasabay ng pagdiriwang ng World Immunization Week.

Ayon sa DOH, base sa kanilang datos, as of February 2019, nasa 3.5 million na mga bata na ang tumanggap ng bakuna para maiwasan ang iba’t ibang uri ng sakit.

Sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na nagpapakita lamang ito na tumaas na ang kumpiyansa ng publiko sa bakuna.

Kasabay nito ay pinasalamatan ni Duque ang mga tinawag niyang ‘vaccine heroes’ na kinabibilangan ng health workers, local health leaders, gayundin ang mga magulang at community members, national government agencies, institutional partners, NGOs at private sectors.

TAGS: doh, Health, Radyo Inquirer, vaccine, doh, Health, Radyo Inquirer, vaccine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.