Red at yellow alert muling iiral sa Luzon grid ngayong araw

Mulling iiral ang red at yellow alert sa Luzon grid ngayong araw, May 3, 2019.

Ayon sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) manipis pa rin ang reserba ng kuryente sa Luzon.

Ang available capacity ngayong araw ay 11,054 habang ang peak demand at 11,046 megawatts.

Ang pag-iral ng yellow alert ay alas 9:00AM hanggang 10:00AM; 11:00AM hanggang 12:00NN; 4:00PM hanggang 5:00PM; at 6:00PM hanggang 9:00PM.

Habang red alert naman alas 10:00AM hanggang 11:00AM at 12:00NN hanggang 4:00PM.

Maaring magkaroon ng rotational brownout sa mga oras na nakataas ang red alert.

Read more...