Paggamit ng Dengvaxia vaccine inaprubahan na ng U.S. FDA; ilang kondisyon inilatag
Inaprubahan na ng U.S. Food and Drug Administration (FDA) ang Dengvaxia vaccine o ang bakuna kontra sa sakit na dengue.
Pero naglatag ng kondisyon ang U.S. FDA para sa paggamit ng nasabing bakuna para maiwasan ang lahat ng uri ng dengue virus serotypes.
Ayon sa U.S. FDA, ang bakuna ay pwede lamang gamitin sa mga edad 9 hanggang 16 na dati nang na-diagnose sa dengue infection o ‘do kakya ay naninirahan sa dengue endemic areas.
Sa datos ng FDA, sa ngayon endemic ang sakit na dengue sa U.S. territories na American Samoa, Guam, Puerto Rico at U.S. Virgin Islands.
Magugunitang ang Dengvaxia ay naging kontrobersyal dito sa Pilipinas makaraang iturok sa mga bata maging ang mga hindi pa nagkakaroon ng sakit na dengue.
Kalaunan, mismong ang Sanofi Pasteur na may gawa ng bakuna ang nagsabi na ang bakuna ay maari lamang iturok sa mga batang kumpirmadong nagkaroon ng nasabing sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.