Anak ng dating konsehal sa Sagay, Negros Occidental patay sa pananambang

By Dona Dominguez-Cargullo May 03, 2019 - 06:59 AM

Patay ang anak ng isang dating konsehal sa Sagay, Negros Occidental makaraang pagbabarilin ng riding in tandem Huwebes (May 2) ng gabi.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo at sa kaniyang dibdib ang biktimang si Christian Analucas, 36 anyos.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Sagay Police, nakatayo sa highway malapit sa kaniyang bahay ang biktima sa Barangay Paraiso nang dumating ang mga suspek at siya ay binaril.

Nakuha sa crime scene ang dalawang basyo ng bala ng baril.

Ayon kay Police Maj. Antonio Benitez ng Sagay police kasama sa kanilang drugs watchlist si Analucas.

Pero naniniwala ang pamilya ng biktima na away sa lupa ang motibo sa pananambang.

TAGS: ambush incident, Negros Occidental, Radyo Inquirer, sagay, ambush incident, Negros Occidental, Radyo Inquirer, sagay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.