2016 proposed national budget, pirmado na ng Bicam
Nilagdaan na ng mga miyembro ng Bicameral Conference Committee ang kanilang committee report para sa P 3.006 trillion na National Budget para sa susunod na taon.
Ang panig ng kamara ay pinangunahan ni House Majority Leader Neptali Gonzales at ang Chairman ng House Apporpriations Committee na si Rep. Isidro Ungab.
Ang panig naman ng Senado ay pinangunahan ni Senate committee on Finance Chair Loren Legarda habang dumalo rin si Senador Juan Ponce Enrile.
Ang Mababang Kapulungan ay nagdagdag ng P2.7 billion para sa mga state universities and colleges; habang pinanatili ang P4.7 billion para sa veterans pension; may P1.2 billion din para sa dagdag na allowance ng mga senior citizens at isinama ang P7 billion para sa unang bahagi ng Salary Standardization Law k SSL na magbibigay ng umento sa government employees.
Ang Mataas na Kapulungan naman ay nagdagdag ng pondo para sa sektor ng edukasyon kasama dito ang sa SUCs; training ng mga guro at special education ng mga estudyanteng may special needs.
Bago ang pirmahan ng Bicam report, kinuwestyon ni Senador Ralph Recto ang pananatili ng continuing appropriation para sa sovereign guarantee ng utang ng mga ahensya ng gobyerno.
Napagbigyan naman ang mga mungkahing realignment ng pondo para madagdagan ang sa PNL, Phil. Airforce at maging ang para sa Office of the Vice President at napaglaanan ng P38 million ang para sa SAF 44.
Inaasahang sa susunod na linggo naman ang ratipikasyon ng kamara sa Bicam report ng 2016 budget.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.