Resulta ng 2018 Bar exams ilalabas na ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo May 03, 2019 - 06:25 AM

Nakatakda nang ilabas ngayong araw ng Biyernes, May 3 ang resulta ng 2018 Bar examination.

Ayon sa Public Information Office ng Korte Suprema, magsasagawa ng special en banc session ang mga mahistrado sa ngayong araw.

Ito ay para magdaos ng deliberasyon sa kung ano ang magiging passing rate.

Si Supreme Court Associate Justice Mariano C. Del Castillo, chairperson ng 2018 Supreme Court Committee on Bar Examinations ang mag-aanunsyo ng resulta sa SC front yard sa Padre Faura Street, Ermita, Manila.

Isang LED wall din ang ilalagay sa labas at doon makikita ang listahan ng mga nakapasa.

Ang bilang ng 2018 Bar examinees ay 8,155, ito ang pinakamataas sa history ng Bar exams.Iuupload din ang listahan ng mga nakapasa sa SC website na https://sc.judiciary.gov.ph/.

TAGS: 2018 bar exams, Bar Exams, Supreme Court, 2018 bar exams, Bar Exams, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.