Muling nagtala ang Phivolcs ng aftershock kaugnay ng lindol sa Suriagao del Norte.
Naitala ang magnitude 3.4 na aftershock sa General Luna, Surigao del Norte kaninang 4:05 ng umaga.
Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 9 kilometro.
Wala namang inaasahang pinsala sa ari-arian ang pagyanig.
Ayon sa Phivolcs, ang bagong aftershock ay bunsod ng magnitude 5.5 na lindol sa Surigao del Norte noong April 26.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.