Thai king Vajiralongkorn, pinakasalan ang kanyang dating ‘bodyguard’

By Rhommel Balasbas May 03, 2019 - 04:36 AM

AP photo

Pinakasalan ni King Maha Vajiralongkorn ng Thailand ang dating deputy head ng kanyang personal security detail at ibinigay dito ang titulo ng pagiging reyna.

Ayon sa isang royal statement, nagsimula ang coronation ceremonies para kay General Suthida Vajiralongkorn Na Ayudhya noon pang Sabado.

Ngayon ay tatawaging Queen Suthida ang dating bodyguard ng hari at opisyal na itong bahagi ng royal family.

Matagal nang magkarelasyon sina Queen Suthida at King Vajiralongkorn at nakikita ito ng publiko.

Ang hari ay tatlong beses nang nakipag-divorce noon at mayroon itong pitong anak.

Si Suthida na dating flight attendant ng Thai Airways ay itinalaga bilang deputy commander ng bodyguard unit ng hari taong 2014 at ginawang full general ng militar noong December 2016.

TAGS: bodyguard, King Maha Vajiralongkorn, personal security detail, pinakasalan, reyna, Royal family, thailand, bodyguard, King Maha Vajiralongkorn, personal security detail, pinakasalan, reyna, Royal family, thailand

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.