Power generation companies posibleng pagmultahin dahil sa forced outages

By Rhommel Balasbas May 03, 2019 - 04:30 AM

Tinitingnan ngayon ng Department of Energy (DOE) at the Energy Regulatory Commission (ERC) ang posibilidad ng pagpapataw ng multa laban sa power generation companies dahil sa biglaang shutdown ng kanilang mga planta na nagdudulot ng pagnipis ng reserba ng kuryente.

Sa pagdinig ng Joint Congressional Power Commission araw ng Huwebes, sinabi ni Sen. Sherwin Gatchalian na may kapangyarihan ang ERC na magpataw ng multa.

Ayon kay ERC Commissioner Catherine Maceda, pinag-aaralan nila ngayon ang power supply agreements upang malaman ang outage allowance para sa generation companies.

Iginiit ni Energy Secretary Alfonso Cusi namandato ng power generation companies na magbigay ng replacement power sa mga oras na may unplanned outages.

Sinabi ng kalihim na nakikipag-ugnayan ngayon ang DOE sa Manila Electric Company para maiwasan ang power outages.

Para kay Sen. Gatchalian, ang pagpapataw ng multa sa generation companies ay maaaring makapagpaayos sa kanilang performance.

Samantala, sa nasabing pagdinig tiniyak din ng DOE na walang mangyayaring power outages sa kasagsagan ng May 13 elections at maging sa canvassing ng mga boto.

TAGS: Commissioner Catherine Maceda, DOE, Energy Secretary Alfonso Cusi, erc, Meralco, multa, power generation companies, power outages, reserba ng kuryente, Sherwin Gatchalian, shutdown, Commissioner Catherine Maceda, DOE, Energy Secretary Alfonso Cusi, erc, Meralco, multa, power generation companies, power outages, reserba ng kuryente, Sherwin Gatchalian, shutdown

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.