Pagsasara sa bahagi ng Marcos Bridge ipinagpaliban sa May 11

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kahapon (Mayo 2) na sa Mayo 11, Sabado na lamang isasara ang eastbound portion ng Marcos Bridge sa Marikina City.

Una nang itinakda ang pagsasara sa bahagi ng tulay bukas, Mayo 4.

Sa isang press release, sinabi ng MMDA na hindi pa tapos ang installation ng traffic equipment at hindi pa handa ang private contractor para simulan ang rehabilitasyon.

Iginiit ng MMDA na dapat munang magbukas ng intersection ang private contractor ng intersection para sa trucks at maglagay ng traffic signals mula Libis hanggang Katipunan sa Quezon City.

Dapat ding magbukas ng slot sa median island para sa mga sasakyang papuntang Antipolo at maglagay ng abiso sa publiko tungkol sa proyekto.

Nagbigay ang MMDA ng isang linggo para makumpleto ang itinakdang requirements.

Tatagal ang rehabilitasyon sa Marcos Bridge ng apat hanggang limang buwan.

Read more...