9K pasahero naperwisyo ng CebuPac flight cancellations; 13k pa maapektuhan ngayong Mayo

By Len Montaño May 03, 2019 - 03:55 AM

Nasa 9,000 na pasahero ang naapektuhan ng kanselasyon ng mga biyahe ng Cebu Pacific.

Nasa 13,000 pang pasahero ang posible ring maperwisyo ngayong buwan dahil sa nakatakdang flight cancellations mula May 1 hangang 10.

Matapos ang pulong sa Civil Aeronautics Board (CAB), umaasa ang airline na maresolba ang isyu sa katapusan ng Mayo.

Ayon sa Cebu Pacific, magbabawas pa sila ng 10 flights per day ngayong buwan para bigyan-daan ang pagrekober ng kanilang operasyon.

Binanggit ng kumpanya na layon ng kanilang hakbang na mapabuti ang “on-time performance” at mabawasan ang perwisyo sa mga pasahero.

Tiniyak naman ng Cebu Pacific na prayoridad nila ang pagtulong sa mga pasahero na apektado ng kanselasyon ng biyahe.

TAGS: biyahe, CAB, cebu pacific, flight cancellation, kanselasyon, naperwisyo, on-time performance, pasahero, biyahe, CAB, cebu pacific, flight cancellation, kanselasyon, naperwisyo, on-time performance, pasahero

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.