Mula sa pang-156 noong 2018 ay pang-95 na ngayon ang premier university ng bansa.
Isa ang UP sa limang Pamantasan sa Southeast Asia na nakapasok sa Top 100 kung saan ang apat ay mula Malaysia at Singapore.
Ikinonsidera ang citations at research sa pagdedetermina sa ranggo kung saan ang dalawang indicators na ito ay may tig-30 percent na equivalent sa scoring.
Kabilang din sa indicators ay ang teaching, international outlook at knowledge transfer.
Ang naturang mga indicators ay kapareho ng ginamit sa World University Rankings na nagkaroon lang ng modipikasyon at ibinagay sa mga prayoridad ng Asian institutions.
Itinanghal naman na Top 3 ang Tsinghua University ng China, National University of Singapore at Hong Kong University of Science and Technology.