Julia Barretto, hindi sineryoso sa Darna audition

By Len Montaño May 03, 2019 - 03:16 AM

Tinawanan lang daw ang aktres na si Julia Barretto nang mag-audition ito para sa role ng Darna.

Sa presscon ng pelikula nitong “Between Maybes” kasama si Gerald Anderson, sinabi ni Julia na hindi siya sineryoso nang magtanong siya sa audition kung maghuhubad na ba siya.

Aminado naman ang aktres sa mga posibleng batikos kung makuha niya ang role ng Pinay superhero.

Naiintindihan umano ni Julia na mayroong mga role na sadyang hindi para sa kanya.

Posible rin umanong may kinalaman ang Darna costume na magiging malaki para sa maliit na size ng dalaga.

Timing naman anya na dumating ang role niya sa pelikulang “Between Maybes.”

Bagamat iba siya sa karakter sa pelikula, pareho naman sila ng kagustuhan na makilala ang sarili.

Nakatakdang ipalabas ang naturang pelikula nina Julia at Gerald sa May 15.

TAGS: audition, Between Maybes, costume, Darna, Gerald Anderson, hindi sineryoso, Julia Barretto, role, tinawanan, audition, Between Maybes, costume, Darna, Gerald Anderson, hindi sineryoso, Julia Barretto, role, tinawanan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.