DTI maglalabas ng updated SRP ng ilang bilihin
Maglalabas ang Department of Trade and Industry (DTI) ng updated suggested retail price (SRP) list para sa mga bilihin kasabay ng nakatakdang taas presyo ng ilang produkto.
Nakatakdang ilabas ng DTI ang listahan sa Sabado May 4.
Ayon kay Trade Underesecretary Ruth Castelo, dapat sumangguni ang mga mamimili sa SRP dahil ito ang guide para malaman kung tama ang presyo ng binibili sa merkado.
Ang hakbang ay sa gitna ng dagdag presyo ng 8 brand ng sardinas na maglalaro mula P0.30 hanggan P1.00 kada lata ng local brand at P1.50 kada lata ng premium brand.
Bukod sa sardinas ay tataas din ang presyo ng ilang bilihin gaya ng instant noodles.
Paliwanag ni Castelo, hindi pa stable ang presyo ng tamban at hindi mapigilan ang pagtaas ng presyo ng raw materials at production, dahilan ng dagdag presyo ng mga bilihin.
Iginiit pa ng ahensya ang pagsunod ng mga pamilihan at supermarket sa SRP na magsisilbing gabay ng publiko sa kanilang pamimili.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.