Presyo ng ilang brand ng sardinas, noodles at pampalasa tataas

By Rhommel Balasbas May 03, 2019 - 02:30 AM

Nakaamba ang taas-presyo sa ilang bilihin simula bukas, Mayo 4.

Inaprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang dagdag-presyo sa ilang brands ng sardinas, noodles at condiments.

Ang local brands ng sardinas na Atami, Family, Master, Mega at Mikado ay may dagdag na P0.50 hanggang P1 kada lata.

Habang ang imported brands na Rosebowl at Saba ay tataas ng P1.35 hanggang P1.70 kada lata.

Ang Lucky Me at Payless na instant noodles naman ay may dagdag na P0.20 hanggang P0.45 sa kada pakete.

Ang mga pampalasa tulad ng toyo at patis ay magmamahal din ng P0.20 hanggang P0.45 kada container.

Nasa P0.55 hanggang P2 naman ang taas-presyo sa kada pakete ng asin at P0.30 sa bawat pakete ng sabong panligo.

Sinabi naman ni Trade and Industry Usec. Ruth Castelo na marami pa rin naman ang brands na hindi nagtaas ng presyo kaya may pagpipilian pa rin ang mga consumer.

TAGS: bilihin, condiments, consumer, dti, noodles, Sardinas, taas presyo, usec. ruth castelo, bilihin, condiments, consumer, dti, noodles, Sardinas, taas presyo, usec. ruth castelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.