Tulong pinansyal ibinigay sa mga nasugatang empleyado ng gumuhong supermarket sa Pampanga

Binigyan ng tulong pinansyal ang mga empleyadong nasaktan sa pagguho ng Chuzon Supermarket sa Pampanga dahil sa lindol noong Abril 22.

Ayon kay Department of Labor and Employment Sec. Silvestre Bello III, ipinagkaloob sa mga empleyado ang P10,000 cash assistance.

Ang tulong ay mula sa Employees Compensation Commission (ECC) at naibigay noong Labor Day job fair sa San Fernando, Pampanga.

Ani Bello, bahagi ang cash assistance ng quick response program ng ECC na layong bigyan ng agarang suporta ang mga manggagawang mayroong work-related contingencies.

Nagbigay din ang ECC ng grocery items.

Ang mga kaanak ng limang manggagawa ng Chuzon Supermarket na kasalukuyan pa ring nasa ospital ang tumanggap ng ayuda.

Sa limang manggagawang nasugatan sa pagguho, dalawa ang naputulan ng paa habang ang iba ay nagtamo ng multiple fractures.

Read more...