Nakaranas ng mahina hanggang katamtamang ulan sa Commonwealth Avenue, Kamuning at Kamias sa Quezon City.
Mahinang ulan naman ang naranasan sa kahabaan ng United Nations Avenue sa Maynila.
Kasabay nito ay naglabas ng Thunderstorm Advisory ang Pagasa alas 10:55 ng gabi.
Nakasaad na asahan ang malakas na ulan na may pagkidlat at malakas na hangin sa lalawigan ng Rizal sa susunod na 1 hanggang 2 oras.
Bukod sa Quezon City at Maynila, nakaranas din ng thunderstorm sa Pasig, Pasay, Parañaque at Makati.
Gayundin sa Sariaya, Candelaria, General Nakar, Real sa Quezon; Gerona, Pura at Victoria sa Tarlac; General Tinio, Gapan at Guimba sa Nueva Ecija; Candelaria, Zambales; Doña Remedios Trinindad, Bulacan; at San Juan, Batangas.
Ayon sa Pagasa, iiral ang pag-uulan mula 30 minuto hanggang 1 oras.
Pinayuhan ang publiko na mag-ingat sa posibleng flash floods at landslides.