Higit 3k na baril nakumpiska; 164 arestado sa paglabag sa gun ban sa Bicol

By Len Montaño May 02, 2019 - 11:12 PM

Nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) ang 3,082 na mga armas habang arestado ang 164 katao na lumabag sa gun ban sa Bicol.

Ayon kay Major Maria Luisa Calubaquib, Bicol police spokesperson, sa nasabat na mga baril, 982 ang loose firearms habang 2,100 na armas ang boluntaryong isinuko ng gun owners.

Karamihan sa pag-aresto at pagkumpiska ay ginawa sa mga checkpoint, pagsisilbi ng search warrant, buy bust operations, “Oplan Bakal” at police patrol.

Bukod sa mga armas, nakumpiska rin ang 1,836 na deadly weapons, anim na replica ng baril, 29 bladed/pointed weapons, pitong granada, 11 explosives o improvised explosive devices, 27 sumpak o improvised at homemade na baril at 1,756 na mga bala.

Ang pag-aresto ay ginawa sa PNP-Comelec checkpoints sa iba’t ibang lugar sa mga bayan at syudad sa Bicol

TAGS: 164 arestado, armas, baril, Bicol, Gun ban, Oplan Bakal, PNP, PNP-Comelec checkpoints, 164 arestado, armas, baril, Bicol, Gun ban, Oplan Bakal, PNP, PNP-Comelec checkpoints

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.