M4.2 aftershock sa Surigao del Norte naitala ng Phivolcs
By Len Montaño May 02, 2019 - 10:40 PM
Patuloy na nararamdaman ang aftershocks kasunod ng lindol sa Surigao del Norte.
Naitala ang magnitude 4.2 aftershock sa lalawigana alas 7:34 Huwebes ng gabi.
Ayon sa Phivolcs, ang aftershock ay naitala sa bayan ng General Luna.
Tectonic ang origin ng pagyanig na may lalim na 8 kilometro.
Wala namang inaasahang pinsala sa ari-arian ang bagong aftershock.
Ang lindol ay aftershock ng magnitude 5.5 na lindol sa probinsya noong April 26.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.