Iba pang Narco politicians iimbestigahan ng DILG
Magsasagawa ng imbestigasyon ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa tatlong magkakapatid na naarestong drug suspects sa Taguig City.
Ayon kay Interior Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, ito ay matapos sabihin ng naarestong 6 na drug suspects na kamag-anak nila ang tumatakbong mayoral candidate sa lungsod.
Dapat anya itong imbestigahan lalo na at iniugnay ang isang mayoral candidate sa droga kaya partikular na aalamin ng DILG kung nagkaroon ng kapabayaan ang barangay na nakakasakop sa lugar dahil kung nasa watchlist ang mga suspek ay bakit ngayon lamang nahuli.
Sinabi ni Diño na discreet ang kanilang gagawing imbestigasyon lalo at panahon ng eleksyon at maaaring maging paninira lamang ito.
Layon anya ng imbestigasyon na mapanagot kung mayroong kapabayaan at mayroong nagbibigay ng proteksyon sa mga drug suspek.
Sa isinagawang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEA) ay naaresto sa isang buy-bust operation sa Barangay Palingon, Tipas sa Taguig City ang anim na katao kabilang na ang magkakapatid na Mendiola.
Ang magkakapatid na Mendiola ay sinasabing kamag-anak nina Arnel Cerafica na tumatakbong mayor ng Taguig at si Allan Cerafica naman ay tumatakbong Congressman ng 1st district Taguig-Pateros.
Nauna ang itinaggi ng tumatakbong alkalde ang pagka-ugnay sa mga suspek at sinabing politically motivated ang pag-ugnay sa kanilang pangalan sa mga nahuling mga suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.