7 anyos na batang lalaki patay matapos makainom ng silver cleaner sa Makati

By Len Montaño May 02, 2019 - 09:50 PM

Nasawi ang isang 7 anyos na batang lalaki matapos na aksidenteng mainom ang silver cleaner na nakalagay sa bote ng softdrinks.

Isinugod ng mga kapitbahay ang batang si Rain Mendoza sa Ospital ng Makati matapos itong nakitang nakahandusay sa banyo na matigas na ang katawan at nakatirik ang mga mata.

Sinabi ng ina ni Rain sa pulisya na nakita nito sa kanilang banyo ang basyong bote ng softdrinks na naglalaman ng silver cleaner.

Aksidente anyang nainom ng bata ang kemikal na ginagamit sa paglilinis ng mga silver na gamit.

Ayon sa doktor na tumingin sa bata, cyanide ingestion ang dahilan ng pagkamatay nito.

TAGS: 7 anyos bata, aksidente, bote ng softfrinks, cyanide ingestion, Makati, matigas na ang katawan, nakatirik ang mata, ospital ng makati, silver cleaner, 7 anyos bata, aksidente, bote ng softfrinks, cyanide ingestion, Makati, matigas na ang katawan, nakatirik ang mata, ospital ng makati, silver cleaner

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.