Babae arestado matapos mahulihan ng shabu sa NAIA

NAIA file photoIsang babaeng pasahero ang inaresto sa Ninoy Aquino International Airport matapos na mahulihan ng shabu sa kaniyang bagahe.

Nakilala ang suspek na si Disa Kandu Ali, 41 anyos at residente ng Cavite.

Pabili pa lamang ng kaniyang flight ticket patungong Marawi City ang babae nang siya ay maharang sa NAIA.

Na-detect kasi ng screener mula sa Office for Transportation Security (OTS) ang shabu sa initial checkpoint sa gate 6 ng NAIA Terminal 3.

Ang nasabing shabu ay nakatago sa loob ng bag ng babae.

Kaagad na itinurn-over ang suspek kina Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent Domingo Costales at Narciso Bulislis.

Read more...