Palasyo ikinatuwa na pirmado na ang IRR ng expanded maternity leave law
Ikinalugod ng Malacañang na nilagdaan na ng Department of Labor at Civil Service Commission ang implementing rules and regulations para sa Republic Act 11210 o expanded maternity leave law.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nangangahulugan ito na magkakaroon na ng karagdagang quality time ang mga ina sa kanilang sanggol o pamilya.
Mapapangalagaan din aniya ang kalusugan ng ina dahil hindi sila mapupuwersa na agad na magtrabaho pagkatapos manganak.
Sa ilalim ng bagong batas sa halip na animnapung araw, magiging isandaan at limang araw na ang magiging leave ng mga ginang na magsisilang ng sanggol.
Dagdag ni Panelo, makabubuti din sa pamilya ang naturang batas dahil pinalawig din ang paternity leave o ang leave ng mga ama.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.