Triple B rating ng Pilipinas sa Standard and Poor’s Global ikinatuwa ng Malakanyang

By Chona Yu May 02, 2019 - 12:06 PM

Hindi naitago ng Malakanyang ang pagkatuwa nang makakuha ng Triple B rating ang Pilipinas sa Global Debt Watcher na Standard and Poor’s.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ito na ang pinakamataas na credit rating upgrade sa economic history ng bansa.

Sinabi ni Panelo, ang pagsusumikap ng economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dahilan ng pagtaas ng credit rating ng Pilipinas.

Hindi maikakaila na naglatag ng malakawang repomra ang economic managers ng pangulo para mapalakas ang ekonomiya ng bansa.

Kabilang sa mga reporma ay ang mga ginawang pagbabago sa pagbubuwis, pagpapalakas sa charter ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ease of doing business, kabi -kabilang proyektong imprastraktura at iba pa.

Naniniwala si Panelo na ngayong nakuha na ng Pilipinas ang Triple B rating, nangangahahulugan umano nito na malapit na ring makuha ng bansa ang single A grade status ng bansa.

TAGS: Palace, philippine ratings, Radyo Inquirer, standard and poor's, Palace, philippine ratings, Radyo Inquirer, standard and poor's

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.