Rep. Rudy Fariñas nag-withdraw ng kandidatura sa pagka-gobernador sa Ilocos Norte

By Dona Dominguez-Cargullo May 02, 2019 - 11:49 AM

INQUIRER file photo
Binawi ni Ilocos Norte 1st District Representative Rudy Fariñas ang kaniyang kandidatura para sa gubernatorial race sa Ilocos Norte.

Ayon kay Fariñas hindi dahil sa kasunduan sa pamilya Marcos kaya siya umatras sa pag-kandidato kundi nais na umano niyang magretiro sa pulitika.

Nagtungo sa Comelec office si Fariñas, Huwebes (May 2) ng umaga para isumite ang withdrawal ng kaniyang candidacy.

Dahil sa pag-atras ni Fariñas, si Matthew Marcos Monotoc na lamang ang natitirang kandidato sa pagka-gobernador sa Ilocos Norte.

Si Manotoc ay anak ni senatorial candidate Imee Marcos.

Tuloy naman ang pagtakbo ng anak ni Fariñas na si Ria bilang kinatawan ng kinatawan ng 1st District ng Ilocos Norte.

TAGS: elections, gubernatorial candidate, ilocos norte, Local elections, May 2019 elections, rudy farinas, elections, gubernatorial candidate, ilocos norte, Local elections, May 2019 elections, rudy farinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.