Ayon kay Carlos, kabilang ang limang indie films sa New Wave Section na magsisimulang mapanood ng publiko sa December 17 hanggang 24 sa mga itinakdang sinehan o venues.
Kabilang sa limang Full Feature finalists ang ‘Mandirigma’ sa panulat at direksyon ng mamamahayag at filmmaker na si Arlyn dela Cruz, ‘Toto’ sa direksyon ni John Paul Su, ‘ARI: My life with a King’ ni Carlo Encisco, ‘Turo-turo’ ni Ray An Dulay at ‘Tandem’ ni King Palisoc
Giit ni Carlos, de-kalidad na mga pelikula ang nabanggit na mga indie films kung kaya hindi dapat palampasin ng publiko na babangga sa mga big budget Hollywood movies sa kasagsagan ng MMFF ngayong Disyembre.
Ipapalabas ang nabanggit na mga New Wave Films sa tatlong magkakahiwalay na mga sinehan sa Metro Manila partikular sa Glorietta 4, SM Megamall at Robinsons Movieworld.
Ayon sa film critic na si Mario Hernando, iba na ang pagtingin ngayon ng publiko sa mga indie films.
Mas tanggap aniya at tinatangkilik ngayon ang mga indie films dahil hindi maitatangging de-kalidad na at humahakot na ng parangal ang mga ganitong pelikula nitong nagdaang mga taon.