MMDA hinikayat ang publiko na suportahan 5 Indie Films sa MMFF

By Ruel Perez December 09, 2015 - 08:25 AM

11048615_1675068962735493_1327189384848441895_oHinikayat ni Metropolitan Manila Development Authority Chairman Atty. Emerson Carlos ang publiko na suportahan ang mga pelikulang kalahok sa gaganapin na Metro Manila Filmfest lalo na ang limang indie films.

Ayon kay Carlos, kabilang ang limang indie films sa New Wave Section na magsisimulang mapanood ng publiko sa December 17 hanggang 24 sa mga itinakdang sinehan o venues.

Kabilang sa limang Full Feature finalists ang ‘Mandirigma’ sa panulat at direksyon ng mamamahayag at filmmaker na si Arlyn dela Cruz, ‘Toto’ sa direksyon ni John Paul Su, ‘ARI: My life with a King’ ni Carlo Encisco, ‘Turo-turo’ ni Ray An Dulay at ‘Tandem’ ni King Palisoc

Giit ni Carlos, de-kalidad na mga pelikula ang nabanggit na mga indie films kung kaya hindi dapat palampasin ng publiko na babangga sa mga big budget Hollywood movies sa kasagsagan ng MMFF ngayong Disyembre.

Ipapalabas ang nabanggit na mga New Wave Films sa tatlong magkakahiwalay na mga sinehan sa Metro Manila partikular sa Glorietta 4, SM Megamall at Robinsons Movieworld.

Ayon sa film critic na si Mario Hernando, iba na ang pagtingin ngayon ng publiko sa mga indie films.

Mas tanggap aniya at tinatangkilik ngayon ang mga indie films dahil hindi maitatangging de-kalidad na at humahakot na ng parangal ang mga ganitong pelikula nitong nagdaang mga taon.

TAGS: MMFF New Wave, MMFF New Wave

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.