Panukala para mabigyan ng pension ang mga magsasaka inihain sa Kamara

By Erwin Aguilon May 02, 2019 - 10:59 AM

Isinusulong ni House Deputy Speaker Sharon Garin ang panukalang batas na magbibigay ng pensyon para sa mga magsasaka sa bansa.

Base sa House Bill 6360, lilikha ng Agricultural Pension Fund upang magbigay ng benepisyo sa mga agricultural workers, magsasaka at mangingisda.

Magsisilbing pangunahing implementing body ang Philippine Crop Insurance Corporation kung saan kabilang sa gagampanang tungkulin ang pagbuo ng pension plan na gagawing basehan para sa alokasyon ng benepisyo.

Ayon kay Garin, nananatiling pinakamahirap sa labor force ng Pilipinas ang mga magsasaka kaya marapat lang na suportahan sila ng gobyerno.

Naniniwala rin ang kongresista na ang mababang kita ang dahilan kaya kumakaunti ang bilang ng nagtatrabaho sa agriculture sector na nakakaapekto naman sa seguridad ng bansa.

TAGS: farmers, pension for farmers, farmers, pension for farmers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.