BTS tinalo ang Maroon 5 at 3 iba pang grupo sa Top Group category sa Billboard Music Awards

By Dona Dominguez-Cargullo May 02, 2019 - 09:54 AM

Muling nagtala ng kasaysayan sa industriya ng musika ang Korean boyband na BTS.

Itinanghal ang BTS bilang “Top Group” sa katatapos na Billboard Music Awards.

Tinalo ng BTS ang mga grupong Maroon 5, Panic! At The Disco, at Dan + Shay.

Sa kanilang speech matapos tanggapin ang award, sinabi nilang hindi sila makapaniwala na sila ay nasa stage ng BBMA.

Masaya din sila sa dami ng audience na nag-cheer sa kanilang pagkapanalo.

Ayon sa BTS, mananatili sila bilang grupo na nakilala ng fans anim na taon na ang nakararaan.

Ang BTS ang kauna-unahang Korean act na nakakuha ng nominasyon para sa Top Group category sa Billboard Music Awards.

Maliban sa Top Group award ay nakuha din ng BTS ang Social Artist award. Ito na ang ikatlong sunod na taon na kinilala sila sa Social Artist category na nilang napanalunan noong 2017 at 2018.

TAGS: BBMA, Billboard Music Awards 2019, BTS, Top Group, BBMA, Billboard Music Awards 2019, BTS, Top Group

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.