US naghigpit sa mga biyaherong galing Iraq at Syria

By Dona Dominguez-Cargullo December 09, 2015 - 08:19 AM

Paris-police-raid-_3503526bMatapos ang Paris terror attacks, naghigpit ang Estados Unidos sa kanilang ‘visa waiver’ program na ipinatutupad sa 38 bansa sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa ilalim ng visa free program ng US na matagal nang umiiral, pinapayagan na manatili sa Amerika sa loob ng 90 araw ng walang visa ang mga galing sa aabot sa 38 bansa.

Pero matapos ang pag-atake sa Paris, nagpasya ang US Congress na higpitan ang nasabing programa.

Sa desisyon ng kongreso sa botong 407-19, hihingan na ng visa ang sinomang biyahe na nanggaling o nag-travel sa Iraq at Syria sa nakalipas na limang taon.

Ang mga bansa na sakop ng visa waiver program ay kinakailangan ding makipagpalitan ng counterterror information sa US at kung hindi ay mahaharap sila sa expulsion sa nasabing programa.

Sa datos, umaabot sa 20 million na turista ang dumarating sa US taon-taon gamit ang visa waiver program.

Nitong nagdaang mga taon, may mga kasong natuklasan na ang nasabing programa ay nagagamit ng mga terorista.

Partikular na tinukoy ang “shoe bomber” na si Richard Reid, na nagtungo sa Miami galing Paris noong December 2001 nang walang visa at nagtangkang magpasabog ng bomba.

TAGS: Paris Attack, US tightens rules on visa free program, Paris Attack, US tightens rules on visa free program

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.