45 sugatan sa aksidente sa Atok, Benguet
Sugatan ang 45 katao matapos na bumangga ang sinasakyan nilang bus sa poste ng kuryente sa Atok, Benguet, Miyerkules (May 1) ng hapon.
Ayon sa ulat ng Police Regional Office – Cordillera, nawalan ng kontrol ang driver ng Rising Sun Bus na si Regan Ginoban at bumangga ito sa poste sa Barangay Caliking.
Agad isinugod sa Benguet General Hospital ang mga sugatang pasahero.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente.
Nagdulot naman ng halos 10 oras na brownout sa mga sineserbisyuhang lugar ng Benguet Electric Cooperative Inc., (BENECO) ang aksidente.
Nagsimula ang brownout alas 4:44 ng hapon ng Miyerkules at naibalik ang kuryente alas 2:37 na ng madaling araw ng Huwebes, May 2.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.