13 Filipino nurses sa Libya kinakanlong sa embahada
Nasa pangangalaga ng embahada ng Pilipinas ang labingtatlong Filipino nurse na lumikas mula sa kaguluhan sa Tripoli.
Ayon kay Chargé d’Affaires (SHARJI DAFEIR) Elmer Cato ang labingtatlo ay nasa pangangalaga ngayong embahada habang mayroong 40 na pang nurses na Pinoy ang nakitira muna sa kanilang mga kaanak at kaibigan.
Sinabi ni Cato na base sa kwento ng mga Filipino nurse, ito na ang pinakamatinding bakbakan na naranasan nila sa Tripoli.
Karamihan sa kanila ay matagal nang nagtatrabaho doon.
Muling namang umapela ang DFA sa mga Filipino na nasa Tripoli na makipag-ugnayan sa embahada upang ma-locate ang kanilang kinaroroonan at sila ay mai-rescue.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.