Nilinaw ng DOJ na ang “uploader” at hindi si alyas “Bikoy” ang dinakip.
Ayon kay Atty. Charito Zamora, OIC sa Office of the Cybercrime ng DOJ, hindi mismong si alyas “Bikoy” ang naaresto gaya ng unang napaulat sa media.
Hindi naman pinangalanan ng DOJ at wala ring ibinigay na detalye kaugnay sa dinakip na uploader.
Sa ngayon hinihintay pa aniya nila ang report ng NBI tungkol dito.
Batay sa serye ng video na may pamagat na “Totoong Narcolist” ay idinadawit ang mga kaanak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kalakaran ng ilegal na droga.
Sa nasabing video ay mapapanood si alyas “Bikoy” bilang narrator.