Ang uploader ng “Totoong Narcolist” video ang naaresto at hindi si alyas Bikoy – DOJ

By Dona Dominguez-Cargullo May 02, 2019 - 09:03 AM

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na nasa kostudiya na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nag-upload mga video na may titulong “Totoong Narcolist”.

Nilinaw ng DOJ na ang “uploader” at hindi si alyas “Bikoy” ang dinakip.

Ayon kay Atty. Charito Zamora, OIC sa Office of the Cybercrime ng DOJ, hindi mismong si alyas “Bikoy” ang naaresto gaya ng unang napaulat sa media.

Hindi naman pinangalanan ng DOJ at wala ring ibinigay na detalye kaugnay sa dinakip na uploader.

Sa ngayon hinihintay pa aniya nila ang report ng NBI tungkol dito.

Batay sa serye ng video na may pamagat na “Totoong Narcolist” ay idinadawit ang mga kaanak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kalakaran ng ilegal na droga.

Sa nasabing video ay mapapanood si alyas “Bikoy” bilang narrator.

TAGS: bikoy, DOJ, Totoong Narcolist, video, you tube, bikoy, DOJ, Totoong Narcolist, video, you tube

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.