Apat na menor de edad na ginagamit na drug couriers nailigtas sa Cebu City
Apat na menor de edad ang nailigtas sa Cebu City na pawang ginagamit bilang drug couriers.
Sinalakay ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit ng Mambaling Police Station ang Sitio Puntod sa Barangay Mambaling, Miyerkules (May 1) ng gabi matapos makatanggap ng sumbong na may mga batang pinagde-deliver ng ilegal na droga sa lugar.
Ang mga nasagip na mga bata ay nasa pagitan ng edad 12 at 15.
May nakuha ring 63 na pakete ng hinihinalang shabu sa lugar na nagkakahalaga ng P24,000.
Ayon kay Police Captain Francis Renz Talosig, hepe ng Mambaling Police Station, ang apat na menor de edad ay hindi residente ng barangay.
Umamin ang isa sa mga bata na binabayaran sila ng P600 kada araw bilang drug couriers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.