Inuman nauwi sa pananaksak sa Malabon

By Jong Manlapaz May 02, 2019 - 08:38 AM

Nauwi sa saksakan ang inuman sa Victoneta Avenue, Barangay Potrero, Malabon City.

Ang biktima ay nakilalang si Pedro Anagao, 34 anyos habang naaresto naman ang babaeng suspek na si Aurora De Galicia, 56 anyos.

Batay sa imbestigasyon, sina Galicia at Anagao ay nag-iinuman sa bahay ng suspek at nang malasing ay sinira ni Anagao ang dinging ng bahay ni Galicia.

Ikinagalit naman ito ni Galicia na kumuha ng kutsilyo at saka sinaksak ang biktima.

Agad namang nakahingi ng tulong ang kapatid ng biktima kaya naisugod sa Manila Central University Hospital si Anagao habang naaresto naman ang suspek.

Narecover ng mga pulis ang kutsilyong ginamit ng suspek.

Mahaharap ito sa kasong frustrated homicide at possession of a bladed weapon kaugnay sa Omnibus Election Code.

TAGS: bladed weapon, Omnibus election code, stabbing incident, bladed weapon, Omnibus election code, stabbing incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.