Filipino singer Jej Vinson nakapasok sa Top 13 ng The Voice US

By Jimmy Tamayo May 02, 2019 - 08:23 AM

Nakapasok sa Top 13 ng singing competition na The Voice US ang Filipino singer na si Jej Vinson.

Sa result show Martes ng gabi, Miyerkules dito sa Pilipinas inanunsyo na ang contestants na makakaabante sa susunod na round ng kumpetisyon.

Mula sa 24 na contestants pinili ang 12 na magtatagisan sa susunod na round base sa text votes at sa desisyon ng coaches kung sino ang kanilang ise-save.

Pumasok naman sa ika-13 si LB Crew matapos ang head to head kay Kanard Thomas na idinaan naman sa Twitter ang botohan kung sino sa kanila ang dapat manatili.

Iniligtas naman si Vinson ng kanyang coach na si Kelly Clarkson na kailangang pumili sa mga nalalabing miyembro ng Team Kelly.

Si Vinson ay ipinanganak at lumaki sa Davao at nagtungo sa Estados Unidos noong siya ay 15 anyos na.

Sa isang panayam, sinabi ng singer na nais niyang ipakilala sa buong mundo ang kagalingan ng mga Pinoy sa pag-awit. “The Philippines is like, the land of the greatest singers, in my opinion, so I’m just really, really lucky and humbled to come from that kind of place. I want tp be a part of that movement that spreads it internationally so I’m just honored that I got to be one of those people.”

Nakapasok sa pamamagitan ng America’s Vote sina:

• Gyth Rigdon (Team Blake)
• Shawn Sounds (Team Legend)
• Carter Lloyd Horne (Team Blake)
• Rod Stokes (Team Kelly)
• Kim Cherry (Team Blake)
• Dexter Roberts (Team Blake)
• Maelyn Jarmon (Team Legend)
• Andrew Sevener (Team Blake)

Iniligtas naman ng kanilang mga coach sina:

• Oliv Blu (Team Blake)
• Jej Vinson (Team Kelly)
• Celia Babini (Team Legend)
• Mari (Team Adam)

Ang mga natanggal ay kinabibilangan naman nina:

• Betsy Ade (Team Adam)
• Kendra Checketts (Team Blake)
• Domenic Haynes (Team Adam)
• Rebecca Howell (Team Kelly)
• Kalvin Jarvis (Team Adam)
• Matthew Johnson (Team Kelly)
• Abby Kasch (Team Kelly)
• Jacob Maxwell (Team Legend)
• Jimmy Mowery (Team Legend)
• Lisa Ramey (Team Legend)
• Selkii (Team Blake)
• Presley Tennant (Team Kelly)

TAGS: Filipino Singer, Jej Vinson, Team Kelly Clarkson, The Voice US, Filipino Singer, Jej Vinson, Team Kelly Clarkson, The Voice US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.