Estudyante nakasagasa ng isang palaboy sa Maynila

By Noel Talacay May 02, 2019 - 08:18 AM

Nagdulot ng bahagyang traffic ang aksidenteng naganap sa U.N. Avenue harap ng NBI bandang alas 6:57 ng umaga mg Huwebes, May 2.

Ayon sa mga nakakita sa insidente, biglang tumawid ang isang palaboy na kinilala na si Larry dahilan para masagasaan ito ng motorsiklo.

Kinilala ang driver ng motorsiklo na si Francner Taul, 24 anyos, at isang estudyante.

Ayon kay Taul papasok sya sa eskwelahan nang mangyari ang aksidente.

Hindi naman nagtamo ng matinding injury ang nasagasaan.

Pero halos hindi makatayo ang driver ng motorsiklo dahil sa iniindang sakit sa kanyang kaliwang paa.

TAGS: accident, manila, UN Avenue, accident, manila, UN Avenue

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.