Star Cinema binuksan na ang audition para sa magiging susunod na ‘Darna’

By Dona Dominguez-Cargullo May 02, 2019 - 08:11 AM

Nagbukas na ng audition ang Star Cinema para makapili ng susunod na gaganap bilang ‘Darna’.

Inanunsyo ng Star Cinema ang gagawing public auditions sa kanilang Instagram account.

Sa May 4 at 5 magaganap ang audition katuwang ang Star Hunt, sa ABS-CBN audience entrance alas 10:00 ng umaga.

Nakasaad sa anunsyo na maaring mag-audition ang mga babaeng edad 20 hanggang 26, at least 5’5″ ang height, physically fit, may alam sa contact sports, fluent sa Tagalog at may karanasan sa acting.

Magugunitang si Liza Soberano na dapat ang gaganap bilang susunod na Darna pero umatras ito sa role dahil sa finger bone fracture.

Mula noon ay marami nang naging espekulasyon sa kung sino na ang susunod na Darna at kabilang sa mga matunog na pangalan ay sina Nadine Lustre, Maja Salvador, Kathryn Bernardo at maging si Pia Wurtzbach.

TAGS: audition, Darna, Radyo Inquirer, audition, Darna, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.