Lalaking dati nang nakulong arestado sa buy-bust operation sa QC
Isang lalaki na dati nang nakulong dahil sa ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City.
Matapos makalaya ay bumalik sa pagtutulak ang suspek dahil kailangan umano niyang matustusan ang pangangailangan ng tatlong anak.
Ayon kay Police Maj. Sandie Caparroso ng Quezon City Police District (QCPD) Station 6, may mga suspek na nahuhuli sa ilegal na droga ay sumasailalim sa plea bargaining kapalit ng mas maikling sentensiya kaya mas mabilis silang nakalalaya.
Gayunman, may mga ilan na pagkatapos makalaya ay muling babalik sa ilegal na Gawain.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.