Mga nasawi at nasugatan sa pamamaril sa University of North Carolina pawang estudyante; suspek na namaril, estudyante rin

By Dona Dominguez-Cargullo May 02, 2019 - 06:59 AM

AFP Photo
Mga nasawi at nasugatan sa pamamaril sa University of North Carolina pawang estudyante; suspek na namaril, estudyante rin

Inilabas na ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga biktima ng pamamaril na naganap sa loob ng University of North Carolina.

Ayon kay University Chancellor Philip Dubois, ang mga biktimang nasawi at nasugatan ay pawang estudyante.

Nasawi sina Ellis Parlier, 19 at Riley Howell 21; habang sugatan naman sina Drew Pescaro, 19; Sean Dehart, 20; Emily Houpt, 23; at Ramy Alramadhan, 20 anyos.

Ang apat na sugatan ay pawang maayos naman na ang kalagayan at isa sa kanila ang nakalabas na ng ospital.

Ang suspek na namaril na si Trystan Andrew Terell, 22 anyos ay estudyante din sa paaralan.

Wala namang binanggit ang mga otoridad sa kung ano ang posibleng motibo ni Terell sa ginawang pamamaril.

Nahaharap sya sa dalawang bilang ng kasong murder at apat na bilang ng kasong attempted murder.

TAGS: mass shooting, Shooting Incident, University of North Carolina, mass shooting, Shooting Incident, University of North Carolina

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.