Misa para sa payapa at tapat na halalan idaraos sa Manila Cathedral sa bisperas ng May 13 elections
By Dona Dominguez-Cargullo May 02, 2019 - 06:26 AM
Magdaraos ng misa sa Manila Cathedral sa May 12, 2019 o sa bisperas ng May 13, 2019 midterm elections.
Ayon sa abiso ng Manila Cathedral, alas 6:00 ng gabi ang banal na misa at candlelight procession para sa peaceful at honest elections.
Nakasaad sa abiso ng Manila Cathedral na ang election day ngayong taon ay natapat sa kapistahan ng Our Lady of Fatima.
Si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang mamumuno sa misa na susundan ng candlelight procession sa Plaza Roma sa Intramuros.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.