Umabot sa 75 ang natimbog sa isinagawang Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations sa Pasay City sa buong magdamag.
Ayon kay Pasay Police chief Col. Bernard Yang, apat sa mga naaresto ay matapos isilbi ang warrant of arrest at dalawa rito ay kabilang sa Top 10 most wanted personalities ng Pasay.
Nagkasa rin ng buy-bust operation kung saan nakadakip ng tatlong suspek at nakuhaan ang mga ito ng dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu.
Naaktuhan naman ang lima katao na bumabatak ng shabu at nakuhaan ng anim na sachet.
Mayroon namang nakuhaan din ng mga droga, balisong, at bala ng mga baril.
Karamihan sa mga nadakip ay sumuway sa mga ordinansa ng lungsod kabilang ang pag-inom sa pampublikong lugar at walang damit pang-itaas.
Mahaharap ang 12 katao sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang mga sumuway naman sa city ordinances ay pagmumultahin lamang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.