Filipino accent sexiest sa Asya; pang-21 sa buong mundo ayon sa isang survey

Lumabas sa resulta ng survey ng isang travel site na ang Filipino accent ang sexiest sa buong Asya habang pang-21 isa naman sa buong mundo.

Inilabas ng Big 7 Travel ang resulta ng kanilang poll sa kanilang mga readers kung ano ang pinaka-nakakaakit na accent sa mundo.

Dito lumabas na sexiest ang Filipino accent sa Asya at isa sa mga nangunguna worldwide.

Inilarawan ng Big 7 Travel ang Filipino accent na ‘gentle and soft’ ang Filipino accent.

“Gentle and soft, the accents you’ll hear when in the Philippines are simply lovely,” ayon sa Big 7 Travel.

Ang New Zealand accent na Kiwi naman ang nangunguna sa buong mundo na wikang ginagamit ng singer-songwriter na si Lorde.

‘Outrageously charming’ umano ang accent ng New Zealand ayon sa travel site.

Samantala, pasok sa top 10 ang sumusunod na accents: South African, Irish, Italian, Australian, Scottish, French, Spanish, South USA, at Brazilian Portuguese.

Read more...